Tips na kapakipakinabang
Kung ikaw ay nagre-review para sa exam, maglagay ng fluorite sa iyong tabi. Nakakatulong ito upang ikaw ay makapag-concentrate, nagiging malinaw ang iyong pag-iisip at nagiging kalmado ka.
Kung may isinasagawa kang ritwal o spell na pampasuwerte, mainam na magsindi ng kandilang kulay magenta. Nakasindi ito habang nagriritwal ka. Nakakabilis ito ng effectivity.
Ang kulay orange ay nakakapagsigla ng kalooban at nang-aakit ng material na kasaganaan. Subukang gumamit ng orange na kurtina sa salas, magsuot paminsan-minsan ng damit na orange o kandilang orange ang sindihan kung magdadasal. Gumamit o magsuot ng crystals na may kulay orange: orange jade, carnelian, orange calcite, red jasper.
Ang pagkain o pag-amoy ng fresh rosemary ay nakakatalas ng memory.
Ang pagsusuot ng damit na kulay purple ay nagdudulot sa “wearer” ng sense of dignity, self-respect at kumpiyansa sa sarili.
Kung may pakiramdam ka na ikaw ay nanghihina, nanlalambot o tinatamad palagi pero wala ka namang sakit, magsindi ka ng red candle every Tuesday sa loob ng isang buwan. Uminom ka salabat at kumain ng mga pagkaing nilalagyan ng luya at black pepper.
Ngunit kung napapansin mong madalas ka nang makipagtalo sa kahit kaninong tao, iwasan naman ang red at sa halip ay gamitin ang mga kulay white, mauve, green at blue.
- Latest