‘Sexercise’ (2)
Kung hindi na nakakatagal sa iyong sexual activity o madaling mapagod o mangawit, narito ang ilang exercise na makakatulong sa iyong “performance”. Nauna na nating natalakay ang cardio, swimming at planking.
Core at Abs Work - Kapag malakas at flexible ang iyong core at abs, malaking tulong ito sa lahat ng iyong ginagawa. Kasama na rito ang iyong sexual activity. Kung ikaw ay isa sa bibihirang mapapalad, puwede kang mag-orgasm habang nag-e-exercise. Ang tawag dito ay “coreasm”. Nangyayari ito tuwing ginagawa ang mga exercise na pampalakas ng core at abs tulad ng crunches.
Frog Pose - Ang exercise na ito ay makakatulong para maging flexible ka sa pakikipag- lovemaking, ayon kay Liz Neporent na isang NYC-based exercise physiologist. Sa pagbuka ng mga binti na na nag-i-stretch ng mga binti, groin at hips, nare-release rin ang stress na siyang makakatulong sa iyong performance.
Hinge - Para makatagal sa “favorable position” na hindi nangangawit o sumasakit o bumibigay ang iyong likod o legs, inirerekomenda ang hinge. Banatin ang likod ng 45-degree angle bago bumalik sa normal na posisyon at ulit-ulitin ito. Mahina ang exercise na ito ngunit nakakatulong ito para makatagal sa isang posisyon na kailangan sa iyong sexual activity. (Itutuloy)
- Latest