‘Iron’ (Last part)
Ito ay huling bahagi ng paksa kung ano ang kahalagahan ng iron sa katawan ng tao lalo na sa isang babaeng nagbubuntis.
6. Mga Buto – Mayamang napagkukunan din ng iron ang mga butil na gaya ng lima beans, garbanzos, at soybeans. Ang mga ito ay maaari ring magbigay ng hanggang 4mg na iron sa bawat 100g.
7. Mga Butil (Bigas, Whole wheat, oatmeal) – Ang bawat 100g ay makapagbibigay ng hanggang 2mg na iron. Mayroon ding mga iron-fortified na butil na makapagbibigay ng higit sa karaniwang dami ng iron na nakukuha sa normal na butil.
8. Berde at Madahong gulay – Ang mga madahong gulay ay mayaman sa sustansya. Bukod sa mga bitamina at ilan pang mineral, nakakakuha rin ng iron dito. Tinatayang may 3.6mg na iron sa 100g na mga dahon.
9. Dark Chocolate – Ang maitim at purong tsokolate ay nagtataglay ng hanggang 17mg na iron sa bawat 100g. Ito ay hilig ng karamihan na maaaring kainin o kaya naman ay iniimom.
10. Tokwa – Ang tokwa ay produkto mula sa soy beans. At ang bawat 100g ng tokwa ay maaring makunan ng hanggang 3mg na iron.
- Latest
- Trending