Kahalagahan ng ‘iron’ (1)
Sa panahon ng pagdadalang tao, nangangailangan ng dobleng dami ng iron ang katawan ng ina. Ang iron ay kailangan upang makagawa ng hemoglobin, isang protina sa katawan na tumutulong na magdala ng oxygen sa mga cell. Kapag nagdadalang tao ang volume ng dugo sa katawan ay tumataas ng 50% na nangangilangan ng mas maraming hemoglobin.
Ayon sa mga pag-aaral karamihan sa mga kababaihan ay anemic o mababa sa iron, bago magdalang tao. Sa pag-aaral ng The Center of Disease Control and Prevention (CDC), lumalabas na ang mga batang kababaihan ay mas mataas ang panganib ng iron deficiency. Ang mga kababaihan na nagdadalang tao ay nangangailangan ng nomal na hematocrit at hemoglobin dahil sa second at third trimester ay tumataas ang panganib ng anemic.
Gaano ka raming iron ang kailangan ng mga nagdadalang tao?
Kapag tumaas ang pangangailangan ng iron, kailangang uminom ng kababaihan ng iron supplement, o prenatal vitamin upang matugunan ang pangangailangan ng sapat na iron sa katawan nila.
Inirerekomenda ng CDC sa mga nagdadalang tao na uminom ng supplement ng 30 mg ng iron bilang preventive dose. Karamihan sa prenatal supplements ay may sapat na rami ng iron na kailangan ng katawan. Inirerekomenda rin ang low-dose iron supplementation sa pagsisimula ng pagbubuntis at pagkatapos manganak ay kailangan pa rin uminom ng iron ng hanggang 3-6 linggo. Dapat malaman nila kung paano kumain ng mga pagkain na mayaman sa iron, at mga pagkain na dapat iwasan na pumipigil naman sa absorption ng nasabing bitamina. (Itutuloy)
- Latest