Ang paggamit ng ilaw sa Feng shui
May dalawang klase ng pag-iilaw: Hard lighting at soft lighting.
Ang paggamit ng colorless light kagaya ng fluorescent light ang halimbawa ng hard lighting.
Ang bombilyang manilaw-nilaw ang halimbawa ng soft light.
Ang hard lighting ay gagamitin lang sa opisina, harapan ng bahay, porches, hallway, landing ng hagdanan, salas, dining room, study room o anumang lugar kung saan laging maraming tao.
Ang soft lighting ay sa bedroom o anumang silid na nangangailangan ng katahimikan. Ang paggamit ng lampshade ay halimbawa ng soft lighting.
Panatilihing nakabukas ang ilaw ng tatlong oras. Sapat na iyon para ma-activate ang isang area.
Ang mga lugar na hindi nangangailangan ng liwanag kung hindi rin lang ginagamit ay toilet, kitchen, bathroom, storeroom. Isara ang pinto at ilaw ng mga nabanggit kung hindi ginagamit o walang tao.
- Latest