Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang dentistang si Dr. Alfred Southwick ang nag-imbento ng electric chair para gamiting pambitay sa isang kriminal? Nakuha niya ang ideyang ito matapos na makita at mapanood ang aksidenteng pagkakakuryente ng isang lalaki sa isang electric generator. Nakita niya ang mabilis na pagkamatay ng lalaki sa pamamagitan ng kuryente kaya naisip niyang mahusay itong ipalit sa pagbitay sa pamamagitan ng pagbibigti sa isang criminal. Pinayagan ng kanilang batas na maging kaparusahan ang pagbitay sa electric chair noong Enero 1889, at si William Kemmler ang kauna-unahang nabitay dito noong Agosto 6,1890. Matapos na mabitay si Kemmler ay nasabi ni Southwick na isang matagumpay ang kanyang ginawang pag-aaral at ang pagkakadiskubre sa electric chair ay isang tanda ng pagtaas ng kanilang sibilisasyon.
- Latest