Sandaang mumunting halimaw (1)
SI SHIRYA ay isang napakagandang diwata, isang fairy na ageless, hindi tumatanda. Nananatili siyang dalagang nasa edad-20.
Forever young si Shirya, masaya sa kanyang mundo sa batis-- sa kagubatang katabi ng bughaw na bundok.
Maligaya siyang nakikipaglaro sa kalikasan. Sa banayad na simoy ng hangin. Sa ugoy ng mga kawayan.
Nakaaaliw pakinggan ang kanyang tawa, kapag nakikipaghabulan sa mga paruparo. Hi-hi-hi-hiii.
Para siyang sanggol na bumubunghalit ng purong katuwaan.
Walang mortal na lalaking hindi hahanga sa kagandahan at kainosentehan ni Shirya. Sa Ingles, siya ang tinatawag na irresistible.
Sanay magkatawang tao si Shirya kapag nasa batis na. Naghuhubad siya ng damit; walang inilalabing saplot.
Tiwala naman kasi siya na ang kanyang mundo sa batis ay kanya lamang; hindi napapasok ng mga mortal.
Mali ng akala si Shirya. Meron na palang nakapasok sa kanyang pribadong sanktuwaryo.
Limang lalaki na mula sa kapatagan. Dumayo ang mga ito sa kagubatan upang mangaso; mamaril ng ibon at usa at baboy-ramo.
Apat sa limang ito ay mga walanghiya sa babae; ang tingin sa kabaro ni Eba ay laruan lamang. Pampalipas-oras.
Hayok na minamasdan ng apat na walanghiya, sa binoculars o largabista, ang kahubaran ni Shirya.
Tulo ang laway nina Brendo, Max, Marko at Primo sa pagnanasa.
Pero ang mabait sa grupo, si Miguel o Miggy, ay napapailing. Ayaw halos tingnan ang dalagang naliligo nang walang saplot.
Tumitingin din naman si Miggy pero pigil ang pagnanasa. Ang binatang ito na pinakabata sa grupo ay 21, hindi hayok sa babae.
Hindi na mapakali sina Max, Marko, Brendo at Primo. Nais na nilang sapilitang kunin ang pagkababae ni Shirya.
“Ano pa ang hinihintay natin, mga ‘tol? Sayang naman ang napakaseksing grasya!” udyok ni Max. “Yariin na natin!” (ITUTULOY)
- Latest