Mga pagkaing ‘di dapat mawala sa kusina
May mga pagkain na hindi dapat nawawala sa loob ng iyong kusina dahil ang mga ito ay importante para sa mabilis na preparasyon ng pagkain. Narito ang ilang uri ng pagkain na dapat ay palaging nasa iyong kusina:
Butter – Anumang lutuin ay maaari mong sangkapan ng butter. Maging ang simpleng sinangag kapag iginisa sa butter ay magiging espesyal na ang lasa nito. Kaya importanteng may nakahandang butter sa loob ng iyong refrigerator.
Flour o harina – Mahalaga rin ang harina sa kusina, lalo na kung mahilig sa soup ang iyong pamilya. Palagi rin itong ginagamit bilang breadings sa manok at sa baboy kapag piniprito. Kung marunong ka gumawa ng pizza, malaking tulong din ang pag-i-stock nito dahil kapag hinaluan mo ito ng kaunting yeast ay puwede ka ng gumawa ng sariling dough.
Itlog – Kapag may itlog sa kusina, tiyak na makakagawa ka na agad ng carbonara. Lagi rin itong iniluluto tuwing umaga. Ang pagkain kung hahaluan ng itlog ay mas sumasarap.
Karne – Hangga’t maaari, mas mabuting mayroon ka nito sa ref. Marami kasing lutuin ang puwede mong gawin sa karne, kahit pa nga lagyan lang ito ng asin at paminta, presto! May ulam ka na.
Kanin – Ito ang pinakaimportante sa lahat. Hindi ka maaaring magutom kung palagi kang may bigas na puwedeng isaing sa iyong kusina.
- Latest