^

Para Malibang

Misis natutukso sa guwapong kapitbahay

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Tawagin mo na lang akong Elsa, 32 years old, may asawa at anak. Maligaya ako sa piling ng mister ko. Pero madalas siyang wala sa bahay dahil nadedestino siya sa probinsiya at kadalasan nawawala siya ng dalawang linggo. Plain housewife lang ako at sa bahay lang. Mahal ko ang aking asawa at lagi kong kinaiinipan ang pagdating niya. Minsan, habang nakadungaw ako sa bintana ay may isang guwapong lalaki na napatingin sa akin sa kabilang bahay. Nginitian ako at nginitian ko rin siya. Kapatid pala siya ng kapitbahay namin na kadarating lang from abroad. Hindi ko maipaliwanag ang nadama ko nang kami’y nagngitian. Attracted ako sa kanya. Isang araw habang papunta ako sa tindahan ay lumapit siya sa akin at naki-pagkilala. Makahulugan ang mga salita niya sa akin kahit sinabi ko na may asawa na ako. Araw-araw mula noon ay lagi siyang nakaabang sa akin. Parang gusto ko nang bumigay. Ano ang gagawin ko?

Dear Elsa,

Tukso ‘yan na dapat mong paglabanan. Isipin mo ang pagsisikap ng mister mo na bigyan ang kanyang pamilya ng magandang kabuhayan at kinabukasan. Hindi mo ito dapat suklian ng kataksilan. At kung totoong mahal mo ang iyong asawa gaya ng sinabi mo, bakit mo dudungisan ang kanyang dangal? Prangkahin mo ang lalaking yun kung liligawan ka niya. Kung magpapakita ka ng malamig na pagtrato sa kanya, kusa siyang iiwas sa’yo. Kalimutan mo ang anumang nadarama mo alang-alang sa preserbasyon ng iyong pamilya. Mahal ka ng asawa mo kaya dapat lang na maging tapat ka sa kanya.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

ANO

ARAW

DEAR ELSA

DEAR VANEZZA

ELSA

ISANG

ISIPIN

KALIMUTAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with