Dapat ba pagbigyan ang magulang?
Dear Vanezza,
Isa akong biyuda. May 7 years na rin mula ng mamatay ang aking asawa, pero hanggang ngayon ay mahal na mahal ko pa rin siya at lagi siyang nasa isip ko at panaginip. Wala po kaming naging anak. Nakatira po ako ngayon sa aking mga magulang na parehong matanda na. Ako ang nagsisilbing tagapag-alaga nila. Inuudyukan nila ako na mag-asawang muli. Bago man lamang sila pumanaw ay gusto nilang magka-apo. Nais ko silang pagbigyan pero dapat ko bang gawin ito kahit wala akong gusto sa mga lalaking nanliligaw sa akin ngayon? Alam ko sa aking sarili na mahal ko pa rin ang aking yumaong mister at walang makakapalit sa kanya sa aking puso. - Tery
Dear Tery,
Hindi nga tama na mag-aasawa kang muli dahil lang gusto mong pagbigyan ang iyong mga magulang na magka-apo. Kailangan na kung mag-aasawa ka ay udyok ng pag-ibig. Pero tila ikinandado mo na ang iyong puso sa tawag ng pag-ibig. Why not give yourself a chance. Bata ka pa at may karapatang lumigaya muli. Pero kung handa ka namang mag-isa na walang katuwang sa buhay hanggang sa iyong pagtanda, desisyon mo pa rin yan na dapat igalang.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest