Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na mayroong 1,259 katao ang nakalista sa whitepages.com na mayroong apelyidong “Hamburger”? Noong 1802, binigyan ng kahulugan ng Oxford English Dictionary ang salitang “Hamburg steak” bilang salt beef. Pero, noong 1860’s ang salitang “Hamburger” na ang ibig sabihin ay giniling na laman ng baka ay nauso nang maimbento ang gamit na panggiling ng karne. Ang hamburger naman na kinakain din natin ngayon ay naipakilala noong World War I. Ayon sa mga scholars, ang kauna-unahang hamburger na naisamerkado ay naganap noong 1917 sa Drexels Pure Food Restaurant sa Chicago. Noong kalagitnaan ng 1920’s naman kinilala ng mga Amerikano ang hamburger.
- Latest