^

Para Malibang

Patay na ako, Mahal (22)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

SAKTO ang tanong ni Russell sa dalagang naniniwalang yumao na, matapos itong hagkan sa mga labi.

“Avery, sumagot ka— do you still believe na ikaw ay matagal nang patay?”

Nasa mukha na naman ng dalaga ang labis na pagkalito.  “H-hindi ko alam, Russell...

“Masyado akong nako-confuse... n-naramdaman ko ang init ng iyong halik... ang nag-aalab mong lips...

“At aaminin kong a-ako ay... nasarapan. Your kiss is sooo good, heavenly... parang nais ko pang maulit nang maulit...

“Tipong one-to-sawa. A-alam mo ba ‘yon, ha, Russell?”

Tumango ang binata, kita ang excitement.  “Of course alam ko ang ibig ..sabihin ng one-to-sawa, Avery.

“Halimbawa’y kumakain ka ng masarap na pansit canton, gusto mong kumain noon nang kumain hanggang gusto mo; hanggang sa duma-ting na sa point na ayaw mo na, nagsawa ka na... “

Parang batang hinipo ni Avery ang mga labi ni Russell.  Saka malambing na bumulong. “Gusto ko pa...’’

Hindi na nagdalawang-isip ang binata, buong lugod na hinagkang muli si Avery; muli at muli, paulit-ulit.

Hanggang sa mismong si Avery na ang sumuko, nagtaas ng kamay.

“N-nagsawa ka na, Avery?”

Umiling ang dalaga. “P-Pansamantala lang naman. Alam kong hahanap-hanapin ko na ang iyong sweet lips, mahal...”

Napapitlag si Russell.  Tama ba ang kanyang narinig?

“Avery, tinawag mo nga ba akong... mahal?”

Tumango ang dalaga, bakas sa mukha ang sobrang ligaya.

.“Say it, Avery, gusto kong marinig muli.”

“I love you, Russell... mahal kita.”

Nalunod na yata sa tuwa si Russell, binuhat sa baywang ang dalaga, itinaas at isinayaw nang paikot.

“Ha-ha-ha-haa! Nagmamahalan na tayo, ­Avery!” (ITUTULOY)

ALAM

AVERY

HALIMBAWA

HANGGANG

MASYADO

NAGMAMAHALAN

NALUNOD

RUSSELL

TUMANGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with