Patay na ako, mahal (13)
“NARINIG mo ba ang sabi ko, Avery? Sabi ko, NAPAKATAKAW mo gayung patay ka na! Ano ba ‘yan?” Halatang buwisit si Tita Soledad sa pamangkin ang daigdig ay nasa musoleyo.
Napasinghap si Avery, habol ang hininga, nabulunan ng cookies.
“T-Tita Sol, t-tubig...tubiiig...”
Maagap naman ang tiyahin, nabigyan agad ng drinking water ang dalagang napakawirdo.
“Haaah... akala ko ho talaga’y k-katapusan ko na...”
“Avery, matagal nang nagkaroon ng katapusan ang buhay mo. You are already dead, patay ka na!” giit ng tiyahin.
Umunat sa pagkakatayo si Avery, kita sa mukha niya ang labis na namang kalituhan. At aprehensyon.
“Iyan nga ho ang dapat na nating masolusyonan, Tita Sol. Patay na nga ba ako, gaya ng ating paniwala?”
“Ikaw ang unang nagsabi sa akin na ikaw ay patay na, Avery! Kinumpirma ko lang!” Hindi na maitago ang inis ng tiyahing mayaman.
“Nagiging makulit kang tulad ng lalaking nagbigay ng cookies!”
Napalunok si Avery, naalala si Russell. Nakikita siya nito, nais na makipagkaibigan sa kanya.
“Nakatatlong paalala sa’kin ng lalaking ‘yon, alam mo ba?
“Huwag na huwag ko raw kalimutang ibigay sa’yo ‘yung dala niya! Sa inis ko, sinabihan kong ‘hindi ako malilimutin’!”
Biglang namutla si Tita Sol, kinapa ang ibaba ng baywang. “Oh, my God!”
“B-bakit ho...?”
Ibinulong nito kay Avery. “S-sa pagmamadali kong makapunta rito, n-nalimutan kong magsuot ng panty”.
“Hooo?”
“Hindi ako dapat uupo nang pabukaka, hindi ako dapat madapa nang patihaya? Maikli pa naman ‘tong skirt ko!” Natataranta ang tiyahin.
Ayaw matawa ni Avery. Didibdibin na niyang siya ay patay na.
SI RUSSELL ay nasa bahay na, ilang oras nang nakaalis sa memorial park. Kaylalim ng kanyang iniisip.
Sa tutoo lang, nagdududa na siya sa sarili. “Paano kung totoo palang patay na si Avery—isa nang ligalig na ispiritu?” (Itutuloy)
- Latest