Dopamine at sex (2)
Tumawa.
Ang joke ay nakakatawa dahil surprise ang punch line.
Bago ito at unexpected. Tulad sa ibang bagong activities, ang joke at nakakapagpataas ng dopamine levels.
Tanungin ang mga couples kung paano sila tumatagal at marami ang nagsasabi na ito ay dahil sa kanilang sense of humor. Kapag nawala na ang humor, delikado na ang relasyon.
Pasabikin. Sabi nga nila, ang “The essence of romance is uncertainty.”
Ang pinakamagandang diskarte ay ang pa-hard-to-get na nagiging dahilan ng pananabik.
Alam n’yo bang ang surpresa, walang kasiguruhan at delayed reward ay nakaka-trigger ng utak.
Ipinapayo ng mga eksperto na magkaroon ng “surprise dates.” O kaya naman ay afternoon o evening outing. Magbigay lang ng mga clue kung saan kayo pupunta o kaya sabihin kung ano ang dapat isuot o dapat dalhin.
Kapag may pananabik, mas nagiging exciting at romantic ang date.
Kapag may effort ang partner na i-surprice ang kanyang mahal, nakakakilig at nakaka-excite ito.
Make love.
Ang skin-to-skin contact ng lovemaking lalo na sa orgasm ay nagti-trigger ng release ng testosterone sa mga lalaki at iba pang may kaugnayang hormones sa mga babae (androgens). Ito ay nakakapagpataas ng dopamine. Para mas nagiging exciting ang sex kapag hinaluan ito ng mga supresa, sumubok ng bago sa ‘kama.’
Subukan sa ibang lugar, ibang oras at gumamit ng mga props tulad ng kandila, music, lubricant, lingerie, sex toys o professional massages.
Bagamay sinasabing ang love is a mystery may mga couples din naman na may magandang chemistry.
- Latest