Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na maraming mahilig kumain ng mga “spices”, may ilan din naman na ayaw nito, pero, gaya ng halos lahat ng pagkain, mayroong benepisyo ang pagkain nito gaya ng sibuyas. Bagama’t napakahirap minsan nitong hiwain dahil sa masakit sa mata ang inilalabas nitong katas, may mabuti naman itong idinudulot sa kalusugan.
Ang taglay nitong phytochemicals ang tumutulong para mas lumakas ang vitamin C sa iyong katawan. Kaya naman magiging malakas ang iyong immune system. Mayroon din itong chromium para naman mapanatili ang maayos na lebel ng iyong blood sugar. Noong unang panahon, ginagamit ang sibuyas para ipanggamot sa mga impeksiyon at pamamaga sa katawan. Kung kumakain ng hilaw na sibuyas, mabuti ito! Dahil nagbibigay ito ng good cholesterol upang magkaroon ng malusog puso. Ang taglay na “quercetin” ng sibuyas ang magsasalba naman sa’yo para hindi kapitan ng cancer sa katawan. Mahusay din ang sibuyas para ipanggamot sa kagat ng putakte. Mayaman din sa vitamin A ang dahon ng sibuyas, kaya mabuting palaging lagyan nito ang lutuing ulam.
- Latest