Magpaganda ngayong Pasko
Maraming gamit na pampaganda na epektibo at mura pa. Isa na rito ang “loofa sponge” o pinatuyong patola. Mahusay itong gamitin bilang panghilod at pampaganda ng balat. Narito pa ang ilang benepisyo ng loofah:
Exfoliation – Ang iyong balat ay mayroon din “layer” ang balat na iyong nakikita ang tinatawag na epidermis na siyang normal na nagkakaroon ng dead skin cells. Minsan, naalis ang mga dead skin cells sa normal na paghihilod. Kaya lang may pagkakataon naman na hindi ito naalis at nagreresulta ng pagkulubot ng iyong balat. Mahusay gamitin ang loofah para alisin ang dead skin cells na ito para magkaroon ng makintab at makinis na balat. Tumutulong din ito para matanggal ang bacteria at libag sa balat.
Normal na dugo – Anumang friction o pagkukuskos sa iyong balat ay nagreresulta ng normal na daloy ng dugo. Ang capillaries o mga maliliit na blood vessels ay napakalapit lang sa iyong balat, kaya naman kapag kinukuskos mo ang iyong balat ay lumalaki ito kaya tiyak na magkakaroon ng normal na daloy ng dugo na hindi magagasgas ng husto ang iyong balat.
Nakaalis ng kalyo – Mahusay din ang loofah na pangtanggal ng kalyo sa paa, tuhod, kamay at siko. Kung makikita mong tila nangingitim ang iyong siko at tuhod, kuskusin lang ito ng loofah para maalis ang mga namumuong libag o dead skin cells.
Gamit sa kusina – Hindi lang pampaganda ang loofah, maaari rin itong gamitin bilang sponge sa plato at iba pang kubyertos. Nakakatulong ito na alisin ang mga sebo sa plato at mga kaldero. Maganda rin gamitin ang loofah sa mga sensitibong kubyertos at kaldero o mga Teflon para hindi magasgas ang mga ito.
- Latest