^

Para Malibang

Ang iyong buhok (2)

BODY PAX - Pang-masa

Ang pagkakaroon ng uban ay hindi nangangahulugan na namamatay ang buhok. Sa katunayan, ang lahat ng nakikitang bahagi ng buhok ay talagang patay na. Bawat hibla ng buhok ay umaabot hanggang sa loob ng anit. Ang pinakapuno nito ay tinatawag na bulb at ito lamang ang bahaging buháy. Ang bulb ang nagsisilbing pagawaan ng buhok. Kapag nabubuo ang buhok dahil sa mabilis na paghahati-hati ng mga selula sa bulb, sumisipsip ito ng melanin, na ginagawa ng mga pigment cell. Dahil diyan, kapag huminto sa paggawa ng melanin ang mga pigment cell, ang buhok ay magiging puti.

Wala pang nakaaalam kung bakit bigla na lamang humihinto sa paggawa ng melanin ang mga pigment cell. Kaya wala pang natutuklasang tiyak na gamot upang mahadlangan ang pagkakaroon ng uban. Napag-alaman din na ang mga pigment cell na hindi na gumagana ay maaaring gumanang muli. Sinusubok ng ilan ang mas bagong paggamot, tulad ng pag-iiniksiyon ng melanin. Pinipili naman ng iba na tinaan ang kanilang buhok, at tiyak na hindi ito isang bagong kaugalian. Ang pagtitina ng buhok ay isinasagawa noon ng sinaunang mga Griego at mga Romano. Ginamit ng sinaunang mga Egyptians ang dugo ng mga toro upang kulayan ang kanilang buhok. Gayunman, ang palaging pagtitina ng buhok ay maaaring magdulot ng mga problema sa balat o mga alergy.

Pagnipis ng Buhok at Pagkakalbo

Ang iba pang karaniwang problema sa buhok ay ang pagnipis ng buhok at pagkakalbo. Matagal na ring umiiral ang mga problemang ito. Sa sinaunang Ehipto, kasali sa mga sangkap na panlunas sa pagkakalbo ang taba ng mga leon, behemot, buwaya, pusa, serpiyente, at mga gansa. Sa ngayon ay mabibili sa pamilihan ang mga gamot sa buhok at sa anit na umano’y epektibo na medyo may kamahalan ang presyo.

BAWAT

BUHOK

DAHIL

EHIPTO

GAYUNMAN

GINAMIT

GRIEGO

KAPAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with