Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang pagkain ng kamatis ay nakakabawas ng panganib ng atake sa puso? Batay sa pag-aaral, natuklasan na ang lycopene na nakukuha sa kamatis ay mahusay na antioxidant. Sa 1,000 kalalakihan, nadiskubre na ang 55% sa mga ito ay nagtataglay ng lycopene sa kanilang dugo kumpara sa iba na mababa o halos walang taglay na lycopene. Dahil dito isa sa sampung lalaking ito ay nakaranas ng stroke habang sa mga lalaking may taglay na lycopene ay isa lang sa 25 sa kanila ang nakaranas ng stroke. Naobserbahan din na 59% sa mga kumakain ng kamatis ay may maayos na daloy ng dugo habang ang mga hindi kumakain nito ay madalas na mamuo ang dugo sa ugat na siyang nagdudulot ng stroke.
- Latest