Wastong Paggamit ng Mirror
Pumili ng mirror na nagdudulot ng malinaw na reflection at hindi parang may alon-alon na ilusyon kapag tumitig ka.
Iposisyon mo ito sa paraang ang makukuha nito ay magandang view mula sa labas ng bintana ng bahay.
Huwag mo itong ihaharap sa front door. Pipigilan nito ang pagpasok ng energy mula sa labas. Para safe, sa tabi ng pintuan ilagay at nakaharap sa loob ng bahay.
Laging punasan ang mirror upang laging malinaw ang reflection nito.
Ang magandang korte ay square, rectangle, octagonal, at circular.
Ipuwesto ito sa paraang hindi mapuputol ang ulo kapag nanalamin ang pinakamatangkad na taong nakatira sa inyong bahay.
Huwag maglalagay ng malaking mirror sa bedroom.
Kung ang puwesto mo sa opisina ay nakatalikod sa entrance door, maglagay ng mirror sa itaas ng iyong desk or computer upang kahit ka nakatalikod, makikita mo pa rin ang pumapasok at lumalabas sa pintuan.
Hindi magandang nare-reflect sa mirror ang burner ng stove dahil magiging dahilan ito ng sunog.
- Latest