Panganib ng Oral Sex (1)
Noong unang panahon iba ang pananaw ng mga tao sa oral sex. Masama ang konotasyon sa oral sex. Hindi ito karaniwang napag-uusapan o sinasabi ng mga tao. Sa panahon ngayon, maririnig mo na lang ito sa mga balita, mababasa sa mga diyaryo o napag-uusapan sa mga huntahan, inuman o simpleng kuwentuhan ng magkakaibigan Karaniwan na ngayong ginagawa ng mga couples ang oral sex. Marami ang nag-e-enjoy gawin ito pero may mga bagay na dapat tayong malaman ukol sa oral sex. Ang oral sex ay may kaugnayan sa troath cancer. Oo, puwedeng magkaroon ng throat cancer sa oral sex, ayon kay American Cancer Society Chief Medical Officer Otis Brawley, MD. Hindi ang akto ng oral sex ang nagiging sanhi ng throat cancer kundi ang human papillomavirus (HPV) na maaaring makuha sa pakikipag-sex kabilang ang oral sex. Ayon sa mga researchers, may mga cancers sa oropharynx (gitna ng lalamunan) at tonsils ay posibleng dahil sa isang uri ng human papillomavirus (HPV). Karaniwan ang HPV ngunit hindi ito madalas na nagiging sanhi ng cancer. Kung hindi ka na-expose sa HPVsa oral sex, malayong magkaroon ng cancer. Sa isang pag-aaral na inilathala sa The New England Journal of Medicine noong 2007 nakita na ang mga may oropharyngeal cancer ay nakikipag-oral sex sa iba’t ibang partners ay marami sa mga pasyenteng ito ay kinakitaan ng DNA signature ng HPV type 16.
- Latest