May stretch marks ka ba? (4)
3. Bitamina C
Kailangan ng bitamina C sa pagbuo ng collagen at cartilage. Ang bitamina C ay epektibo para mabawasan ang pinsala ng free radical. Kumukunsumo ng free radicals ng collagen at elastin. Mas mainam na makakuha ng bitamin C sa mga pagkain kesa gumamit ng suplemento na nabibili sa mga botika. Ang mga mayayaman na pagkain sa bitamina C ay katulad ng red at green bell peppers, guava, kale, parsley greens, turnips, and broccoli.
4. Oil Treatments
Maaaring makatulong ang iba’t ibang klase ng langis gaya ng olive oil, Vitamin E oil, essential oils, at castor oil. Ang vitamin E oil ay makakatulong sa elasticity ng balat at mapigilan ang stretch marks.
5. Zinc
Ang kakulangan sa zinc ay isang dahilan kung bakit ang mga tao ay nagkakaroon ng stretch marks. Ginagamit ng katawan ang zinc sa produksiyon ng collagen at mayroon din itong antioxidant properties.
Mayaman sa zinc ang mga pagkain katulad ng manok, tupa, karneng baka, itlog, legumes at whole grains.
6. Calcarea Fluorica at Silicea
Mayroong calcarea fluorica at silicea na tumutulong sa bone development at pinapanatili ang elasticity ng balat. Pinipigilan nito ang stretch marks, hemorrhoids o almuranas at varicose veins.”
- Latest