8 senyales na ikaw ay buntis (1)
Kinakabahan ka na ba?
Sa tingin mo ba, buntis ka na?
Hindi ka pa naman sigurado pero may iba ka nang nararamdaman o napapansin.
Nagbago ang iyong energy level, mood o ang iyong ‘dibdib na para kang may pre menstrual syndrome.
Hindi ka pa naman nagmi-miss ng period pero medyo sensitibo ka na sa mga naamoy o kaya ay lagi kang nasa banyo.
Nahihilo ka ba o kaya ay parang hihimatayin?
Nagbabago na ang iyong hormones bago mo pa maisipan na mag-pregnancy test.
Narito ang mga sen-yales na ikaw ay buntis ayon sa webmd.com
Sensitive na breast
Isa sa unang signs na buntis ka ay ay pananakit at malambot na breasts o boobs. Sa pakiramdam mo ay mabigat ang mga ito ay parang lumalaki. Mapapansin din na ang area sa palibot ng nipple ay lumalaki.
Karamihan sa maagang sintomas ng pagbubuntis kabilang ang malambot na breas ay bunga ng pagtaas ng levels ng hormone progesterone.
Isa pang dahilan kung bakit lumalaki ang boobs ay dahil mas pinananatili ng katawan ang tubig kapag buntis kaya ang pakiramdam mo ay bloated ka.
Fatigue
Madalas kang inaantok.
Ito ay dahil tumataas na ang progesterone na dahilan kung bakit ang pakiramdam mo ay pagod ka na.
Medyo babalik ang iyong lakas sa second trimester ngunit asahang babalik ito pag papalapit na ang iyong due date. Itutuloy
Wala kang ibang dapat gawin kungdi matulog kapag inaantok.
Mood Swings
Ang hormone changes na dahilan kaya emotional ka kapag magkakaroon ka ay hindi mawawala sa kaagahan ng pagbubuntis.
Kapag alam mo nang buntis ka, malamang na ma-stress ka dahil magiging magulang kana.
Mas pinatitindi ang mood swings ng pagod at gutom laya magpahinga kung may pagkakataon at kumain nang paunti-unti.
Medyo bubuti ang pakiramdam pagsapit ng ika-14 -16 week.
- Latest