Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na ang tunay na Jack-O-Lanterns na ginagamit tuwing haloween ay patatas at hindi kalabasa? Ang pagsasagawa ng “Trick or Treat” naman na kinatutuwaan ng mga bata ay nagmula sa Europa. Kilala ito sa kanila bilang “souling” o pangangaluluwa kung saan tuwing Nobyembre 2 o All Soul’s Day, naglalakad ang mga mahihirap na mamamayan sa kanilang komubidad at kumakatok sa mga bahay-bahay upang humingi ng pagkain. Kaya naman bibigyan sila ng tinatawag na “soul cakes” na gawa mula sa tinapay. Mangangako naman ang mga taong mahihirap na ito na ipagdarasal ang mga namatay na kaanak ng kanilang hiningan ng cake. Ang kulay ng haloween ay black at orange. Ito ay perpektong kombinasyon ng kulay na nagsasaad ng kadiliman ngunit panimula naman ng anihan.
- Latest