^

Para Malibang

‘Tinnitus’ (2)

BODY PAX - Pang-masa

Kagaya ng panonood ng konsiyerto, malimit na pagbiyahe, paggamit ng earphone na maaaring maging dahilan ng tinnitus. Kapag ang tinnitus ay nawala at ang normal na pandinig ay nagbalik,  ito ay tinatawag na temporary threshold shift. May permanenteng pinsala na delikado sa hair cells sa loob ng tenga na maaaring nagmula sa noise trauma, kaya importanteng umiwas sa pinsala na dulot ng noise exposure.

Sa mga taong umiinon ng mataas na dosage ng aspirin ay maaaring dumanas ng tinnitus na mawawala kapag huminto sa pag-inom ng aspirin. Karaniwang ito ay panandalian lang na pagkawala ng pandinig. May mga iba pang medications na kilala na sanhi ng tinnitus. Maaaring maging sanhi rin ng tinnitus ay ang pagkakaroon ng nakabarang tutuli  dahil nagdudulot din ito ng pansamantalang pagkawala ng pandinig. Inuugnay ito sa paghina ng pandinig dulot ng Meniere’s disease. Kaya kaila­ngang masuri kung ano ang pinagmulan ng tinnitus at malaman ang tamang gamutan.

Karamihan sa tinnitus ay nagmumula sa pinsala sa kaloob-loban ng tenga, kagaya ng cochlea. Maaari ring magmula ang pinsala sa nerve sa pagitan ng tenga at utak (8th nerve, tinatawag na vestibular nerve); pinsala sa brainstem. Pulsatile tinnitus (tinnitus na nagbe-beats sa pulso) na sanhi ng  aneurysms, pagtaas ng  pressure sa ulo (hydrocephalus), at pagtigas ng arteries. Anumang pagtaas ng agos ng dugo katulad ng hyperthyroi­dism, malabnaw na dugo (katulad ng anemia), liku-likong vessels ay maaaring maging sanhi ng pulsatile tinnitus. Kakulangan sa vitamin B12 ay karaniwang sanhi ng tinnitus. (Itutuloy)

ANUMANG

INUUGNAY

ITUTULOY

KAGAYA

KAKULANGAN

KAPAG

KARAMIHAN

KARANIWANG

TINNITUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with