^

Para Malibang

Mga dahilan bakit hindi mo dapat kaligtaang makipag-sex (1)

Pang-masa

Maraming  pressure na nararanasan ang tao, maaaring stress ka sa pag-aalaga ng iyong mga anak, mga gawain sa bahay, busy sa trabaho, kaya kahit ayaw mong mapunta sa isang buhay na maituturing na “sex free zone” ay hindi mo pa rin maiiwasan. Narito ang ilang dahilan para  hindi mo kaligtaan ang pakiki­pag-sex araw-araw:

Magandang ehersisyo – Ang pakikipag-make-love ang pinakamahusay na aktibidad  na hindi dapat kalimutan. Ayon sa mga eksperto, ang pakikipag-sex ng 30-minuto ay nakakapag-burn ng 85 calories. Bukod dito, mabuti rin ang pakikipag-sex sa iyong puso at pinagaganda ang daloy ng iyong dugo.

‘Beauty potion’ – Hindi mo na kailangan pa na magpa-parlor, gumastos  at bumili ng pampaganda.  Ayon sa mga bagong pag-aaral, ang sex ay isang natural paraan upang gumanda at maituturing itong ‘natural make-up’.  Kapag mayroong 15-minutong pakikipag-sex  araw-araw, mapapansin mong natural na mamula-mula ang iyong pisngi, ang iyong labi’y magkukulay pink at magmumukhang malambot at malaman at ang iyong balat ay magkakaroon ng natural glow.  Ito ay dahil sa  magkakaroon ng maayos na daloy ng dugo ang iyong katawan. Inililigtas ka rin ng sex sa mabilis na pagtanda.

Nakakapagpataas ng kumpiyansa – Ayon sa mga bagong pag-aaral, mahalaga ang sex para magkaroon ng mataas na kumpiyansa sa sarili. Lumalabas pa na kapag laging nakikipag-sex, nagkakaroon ng magandang pakiramdam sa sarili kaya naman nadadagdagan ang tiwala mo sa iyong sarili na ikaw ay may abilidad na gawin ang lahat ng bagay. Bukod dito, ang sex ang pinaka-epektibong paraan upang mapanatili mo ang iyong koneksiyon sa iyong partner. (Itutuloy)

AYON

BUKOD

INILILIGTAS

ITUTULOY

IYONG

KAPAG

SEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with