^

Para Malibang

Marami ka bang ‘sex partner’? (1)

MAINGAT KA BA!? - Miss ‘S’ - Pang-masa

Ikaw ba ay sexually active? Kung oo ang sagot mo, dapat mong ikonsidera ang pagpapa-Sexually Transmitted Disease  test lalo na kung iba-iba ang partner mo. Mahirap sabihin kung sino ang dapat magpa-STD test. Pero ayon sa mga eksperto, ang pinakamagandang paraan ay dapat magkaroon ng kaalaman tungkol sa STD para malaman kung ano ang dapat i-test base sa sexual history at level of concern. Narito ang rekomendasyon mula sa health.com na basehan sa pagpapa-STD test.

Kung sexually active - Inirerekomenda ang HIV tests para sa mga active sa sex at mga babaeng buntis. Mayroon nang urine tests para sa chlamydia at gonorrhea kaya madali na ngayon ang test. Kung maaari ay gawing regular ang pagpapa-test sa mga STD na ito.

Kung under 24 - Alam na natin na ang edad 15-24 ay mga sexually active population. Inire­rekomenda ang pagpapa-test ng HIV, syphilis, Chlamydia at gonorrhea taun-taon. Pero depende rin talaga sa sexual behavior ng tao. Kung talagang napaka-active, dapat siguro’y magpa-test makalipas ang ilang buwan pero kung nasa monogamous relationship, kahit every two years puwede. Ang chlamydia ay crucial test para sa mga dalaga dahil karaniwan ito at mapanganib lalo pa’t wala itong sintomas.(source: Health.com) (ITUTULOY)

 

ALAM

CHLAMYDIA

IKAW

INIRE

INIREREKOMENDA

KUNG

PERO

SEXUALLY TRANSMITTED DISEASE

TEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with