Ang Kulay sa Fengshui
Ang kulay pula ay simbolo ng kasikatan, magandang kapalaran, prosperity at katatagan. Ngunit ang sobrang paggamit ng kulay pula ay nagbibigay din ng problema sa kapaligiran. Ang paggamit ng kulay pula sa dining room at kitchen ay nakakatulong upang ang pagkaing niluto at isinisilbi ay madaling matunaw sa bawat kakain nito.
Ang kulay dilaw naman ay simbolo ng energy at liwanag na nagdadala ng kaunlaran at kapangyarihan sa mga taong naninirahan sa bahay. Ang kurtina o pinturang dilaw sa salas ay tumutulong para maging maayos ang relasyon ng bawat miyembro ng pamilya at pati na sa ibang tao.
Ang paggamit ng kulay puti ay may kasamang pag-iingat sa mga Chinese. Sa kanila, ang puti ay ginagamit sa pagdadalamhati. Kaya kung gagamit ng puti, samahan ito ng ibang kulay. Iwasang gumamit ng purong puti.
Ang berde ay nagbibigay ng katahimikan at preskong pakiramdam. Nagdadala ito ng good health, growth and progress.
Pinaniniwalaang ang kombinasyong pula at berde ay nadadala ng magandang kapalaran sa paligid. Simulan na ninyo ang paggamit ng mga kulay na nabanggit sa inyong kurtina o pintura,wala namang mawawala kung inyong susubukan.
- Latest