Ang babaing kinakain ang lahat (39)
“NARINIG mo po, Mommy? Kinakain ko ang lahat—graba, tabla, prutas, tsinelas, kotse, gulong, eyeglasses, extension wires, poste ng kur yente, radio, libro, bigas, asin, vinegar...” hindi matapus-tapos na paliwanag ni Tatiana.
“Tama na!” sigaw ni Sofia, nakatingin sa dalawang putol na binting nabubulok, klarong merong gangrene.
Tumahimik si Tatiana, nagtaas ng kilay.
“Mga binti ba ito ni Manong Emong, Tatiana? Answer me!”
“Opo, mga binti nga iyan ni Manong Emong”.
“Panginoon ko... kinain mo ang matanda?!”
Tumango ang dalagang anak ng taga-ibang planeta. “Opo. In fairness napakasarap niya, malinamnam”.
“Guwa-a-arrk”. Nasuka si Sofia. Kasunod ay yumugyog ang balikat, umiiyak na. “Hu-hu-hu-huuu!”
“Mommy, matanda na po si Manong Emong, wala nang silbi sa mundo. Actually, pinagpahinga ko na siya...” Sinabi ito ni Tatiana nang may pagmamalaki. Na tila nagyayabang.
“Kung tutuusin, ginawan ko pa si Manong ng pabor, Mommy. Ngayon, he is resting in peace”.
“Kaysama moo!” sigaw ni Sofia sa anak.
“Meron po pala akong hindi puwedeng kainin, Mommy. Itanong mo kung ano”.
Ayaw magtanong ni Sofia, kumukulo pa rin ang dugo sa galit sa anak.
“Ako na ang sasagot sa tanong, Mommy. Ang isang bagay na hindi ko pala puwedeng kainin ay ang... kaluluwa.
“Lagi akong nauunahan ni Kamatayan sa pagkuha ng kaluluwa”.
Malakas na sinuntok ni Sofia sa dibdib si Tatiana. Napasigaw ito sa sakit. “ARAAAYY!”
“See, anak? Ikaw ay may kamatayan! Puwede kang patayin!” (Itutuloy)
- Latest