^

Para Malibang

Hirap magpatawad

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Hiniwalayan ko ang asawa ko noon at isinama ko ang aming anak. Matagal na panahon na pero hanggang ngayon puno pa rin ng galit ang aking puso. Ngayon ay pauwi siya galing abroad at hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan. Bukod sa drugs, barkada at paulit-ulit siyang nambababae ang dahilan ng pahihiwalay namin. Ngayon daw ay nagbago na siya. Pero manhid na ako sa kanyang mga ginawa. Hindi ko na na-appreciate ang mga sinasabi niyang pagbabago. Pero sa lahat ng mga nangyari sa amin, hndi ko ipinagkait sa kanya ang aming anak. Nakakaintindi na ang anak ko kaya alam niya kung bakit kami magkahiwalay ng kanyang ama. Ayokong magkasakitan pa kami physically and verbally tulad ng ginagawa niya sa akin dati. Para sa akin, mas maraming reason na huwag siyang balikan kaysa balikan pa siya. Di ko rin kasi matanggap kung paano siya kunsintihin ng magulang niya sa lahat ng kalokohan niya. Kaya lalong humina ang pagsasama namin noon. Paano magbabago ang feelings ko sa kanya sakali ngang totoo na nagbago na siya? - Jona

Dear Jona,

Nasa pagpapatawad ang ikapapanatag ng iyong kalooban. Tao lang tayo na nagkakasala. At kung ang Diyos ay nagpapatawad, tayo pa kayang nilalang niya ang hindi? Kung ang isang taong nagkasala sa’yo hindi mo ba bibigyan ng pagkakataong patunayang siya ay nagbago na nga? Kung ang bagay na yan ay hindi mo magagawa, paano tayo hihingi ng kapatawaran sa Kanya? Pakawalan mo ang galit sa iyong puso at lawakan ang pang-unawa. Patawarin mo ang iyong asawa at magkakaroon ka ng kapayapaan sa puso.

Sumasaiyo,

Vanezza

AYOKONG

BUKOD

DEAR JONA

DEAR VANEZZA

DIYOS

HINIWALAYAN

NGAYON

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with