Feng shui sa Bad Neighbors
Sa Hongkong, kapag ang owner ng building ay may nakitang structure sa katapat o katabing building na magdudulot sa kanya ng “poison arrow”, gumagawa talaga sila ng pangontra upang huwag sila ang maapektuhan ng bad energy. Nagpapagawa sila ng sculptured firing canyon sa pinakaitaas ng kanyang building at nakatutok sa building na nagbibigay sa kanila ng bad energy or poison arrow. Ang poison arrow ay nagdudulot ng bankruptcy at serious illness sa mga nangungupahan sa building. Ang sculptured firing canyon ay simbolo ng pagpigil sa poison arrow na tamaan ang building. Ito ay pagpapakita na nilalabanan mo ang kamalasan.
Kapag may mga kapitbahay kayo na nagdudulot sa inyo ng negative emotion (walang pakundagang kung mag-ingay, may alagang maingay na aso, mga tsismosa, inggitera, etc.), may katapat diyan na solusyon ang Fengshui. Sayang, sana’y nalaman ko na ito para naman hindi kami nagdusa ng napakatagal na panahon (10 years) sa pagkakaroon ng mga tsismosa, eskandalosa/eskandalosong mga kapitbahay. Nang matutuhan ko ito, wala na, patay na sila as in nasa sementeryo na. Ang iba naman ay lumipat na ng lugar. (Bukas ang cure and remedies)
- Latest