Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na naniniwala ang mga sinaunang doctor na kontrolado ng ilang bahagi ng iyong katawan ang iyong emosyon? Kung ikaw ay masaya, ito ay nagmumula sa iyong puso, kung ikaw ay galit, ito ay may kaugnayan naman sa iyong atay o liver at kung ikaw naman ay natatakot, ito ay mula naman sa iyong kidney o bato. Sa isang bagong pag-aaral, lumalabas na karamihan sa mga babae ay nagdadamit batay sa kanilang nararamdaman, kapag depressed o malungkot nagsusuot umano ng maluluwag na pang-itaas na damit ang mga babae, pero kung siya ay masaya naman isinusuot niya ang kanyang paboritong damit at alahas.
Pinangangambahan din ngayon ng mga eksperto na ang mga makabagong teknolohiya gaya ng mga social networking ay hindi nakakapagpalapit ng emosyon ng tao, lalo na sa mga mag-asawa, bagkus ito ay nakakapagpalayo pa.
- Latest