The ghost of ‘Padre Tililing’(72)
ISINISIGAW ni Miranda ang galit sa duktor. Pinatay daw nito ang kanyang baby sa sinapupunan. “Pinatay mo ang aking baby, duktor! Isa kang mamamatay-taooo!”
Nagpakahinahon ang manggagamot. “Nurse, calm the patient. Quick”.
Tinurukan ng pampakalma-pampatulog si Miranda. Mayamaya pa’y natahimik na ito, napahimbing. Napapailing ang butihing duktor, ang nurse na absent-minded ay nakadama ng awa sa pasyenteng nakunan, nawalan ng anak.
“God knows we did everything para iligtas ang dinadala niya, di ba, nurse?”
“Opo, doc. Kaso nga, si God na ang nagpasya—na bawiin ang baby”.
Muling humugot ng hininga ang duktor. “Tama ka. Man proposes, God disposes. Hihiling ang tao, pero ang Diyos ang nagde-decide kung papayag o hindi”.
“Meron din po akong alam na galing sa bible, doc.” “At ano naman iyon, nurse?”.
“Ang lahat daw po ng bagay sa mundo ay lilipas, matatapos. Everthing will come to pass daw po”. Si ‘Padre Tililing’ na nakabantay pa rin kay Miranda ay napapahikab sa usapan ng duktor at ng nurse.
“Imagine, doc, kung walang pagkatapos ang duty natin sa ospital, bagsak tayo sa pagod!”
“Oo nga, at hindi ka na maliligawan. Dito ka na tatandang dalaga”.
Pasimpleng kinurot ng duktor sa hita ang seksing nurse, puno ng malisya.
Napabungisngis ang nurse, obvious na gusto ang pagkurot ng duktor.
Si ‘Padre Tililing’ ang sagwang-sagwa sa dalawang mortal.
Lalo pa nga at panakaw na naghalikan ang dalawa. Halps! Habol nila ang hininga nang matapos. “Huwag mo akong isusumbong sa misis ko, please”.
Tumango ang nurse. “Oo, basta huwag mo rin akong ibubuko sa boyfriend ko”.
Hindi na napigil ni ‘Padre’ ang pagkasuklam; nagpakita na sa duktor at sa nurse.
“Mga taksil na immoral! Nakakasuka ang ugali ninyo!”
Nakita si ‘Padre’ ng dalawang taksil sa pag-ibig. Umakyat hanggang ulo nila ang matinding takot; at kilabot. Nag-unahang lumabas ng pinto ng recovery room. Tumitili, sumisigaw. EEEEE! AAAHHH! Nasalubong sila ni Simon sa labas ng room, nabahala ang lalaking tunay na nagmamahal kay Miranda.
“May nangyari ba kay Miranda?”
Hindi nakikita ni Simon ang karibal na multo; hindi nagpapakita sa lahat ng tao ang mabait na multo. Natiyak naman ni Simon na buhay si Miranda, natutulog nga lamang.
“Ano naman kaya ang kinatakutan ng doktor at nurse? Daig pa ang nakakita ng multo.”
Kinutuban si Simon. “Tililing, narito ka ba?”
Walang kakibu-kibo ang ‘padre’.
(ITUTULOY)
- Latest