^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’ (61)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

TUMABI  kay ‘Padre Tililing’ si Miranda sa mahabang upuan sa labas ng Emergency Room.

Walang tigil ang pagluha ng smuggling queen. Panay ang kausap sa invisible na ‘padre’. “Sabihin mong makaliligtas sa kamatayan si Simon, Carlo. Kailangan namin siya ng anak ko...”

Hinaplos ni Miranda ang maumbok nang sinapupunan.

“Carlo, please...hindi mo papayagang mamatay si Simon, di ba?”

Walang pakialam si Miranda na pinagtitinginan na siya ng mga nagdaraan sa corridor; buong akala’y nagsasalitang mag-isa si Miranda.

“Nababaliw na yata ‘yung aleng buntis, Tacio, ireport natin sa sekyu,” sabi ng isang ale.

“Mukha namang harmless, Teresing, hayaan mo na. Nagmamadali tayo.”

“Carlo, answer me...hindi mo naman papayagang mamatay ang mister ko, di ba?”“

Napabuntunghininga ang ‘padre’. “Miranda, hindi ako ang nagpapasya sa buhay at kamatayan ng tao...”

Napalunok si Miranda, naalala ang bungo at kalansay ng katauhang may karit na letter C. “Si...Kamatayan?”

Umiling ang ‘padre’. “Si Kamatayan ay simbolo lamang na likha ng imahinasyon ng tao, Miranda.

“Tanging si Lord ang nagpapasya kung sino na ang dapat mamatay, kung sino ang dapat pang mabuhay.”

“Hu-hu-hu-huuu. Ano ang dapat kong gawin, Carlo? Ikamamatay ko nga kapag nawala si Simon sa mundo!”

Tiyak ang sagot ni ‘Padre Tililing’. “Miranda, humingi ka ng awa sa Kanya, magdasal ka kay Lord.”

Lalong napaiyak si Miranda. “Hu-hu-hu-huuu... hindi mo kasi naiintindihan,  Tililing—matagal na akong nakalimot sa Kanya. Sisipain na Niya ako!” (ITUTULOY)

ANO

EMERGENCY ROOM

HINAPLOS

HU

KANYA

MIRANDA

PADRE TILILING

SI KAMATAYAN

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with