Gamot sa mabahong paa (1)
Isa sa pinagbabasihan sa pagiging malinis ng isang tao ay pagkakaroon ng malinis at mabangong paa. Kapag nangangamoy at namamasa ang iyong mga paa, tiyak na mayroon kang malaking problema sa hygiene. Maaaring hindi mo napapangalagaan ang kalinisan ng iyong paa kaya ito ay nangangamoy. Aminin man o hindi karamihan sa atin kapag naliligo ay hindi napagtutuunan ng pansin ang paa na nagiging dahilan ng pamamaho nito. Paano natin maiiwasan ang pamamaho nito? Anu-ano ang dapat gawin upang maging malinis at maging mabango ang ating paa? Naririto ang ilang gabay sa malinis at mabangong paa.
Hugasang maigi ang paa. Sweat glands ang dahilan ng pagpapawis ng ating paa na binubuo ng tubig, sodium chloride, fat, minerals at iba’t ibang acids na product ng metabolismo ng ating katawan. Sa pagkakaroon ng mga bacteria sa ating paa ay maaaring magdulot ng mabaho at masangsang na amoy. Kailangang hugasan ng maige ang paa at gumamit ng deodorant soup at patuyuin upang maalis ang mga bacteria na nagdudulot ng mabahong amoy.
Gaano kadalas hugasan ang paa? Para sa matinding amoy ng paa, kailangang hugasan ang paa ng maraming beses sa bawat araw kapag nakitang nangangaliskis at nagbibitak-bitak ay marapat na bawasan ang bilang ng paghugas sa bawat araw.
- Latest