^

Para Malibang

Ano ang ALS?

BODY PAX - Pang-masa

Last Part

Ang galaw ng voluntary muscle ay apektado at maaaring ang pasyente na nakararanas ng ganitong sakit ay maparalisa.

Ang Myo ay salitang Griyego  na ang ibig sabihin ay kalamnan at ang trophic ay pagpapakain. Kapag ang kalamnan ay walang nourishment ay lumiliit ito at hindi na gagana pa. 

Kapag ang motor neurons ay nag-degenerate, ito ay maaaring hindi na makapagpadala ng impulse sa muscle fibers na nakapagpapagalaw sa mga kalamnan. Ang mga sintomas ng ALS ay panghihina ng kalamnan na nagpapagalaw sa braso, hita, sa pagsasalita, paglulon at paghinga. Kapag ang mga kalamnan ay wala ng natatanggap na mensahe sa motor neurons na kailangan upang gumalaw ay maaaring ang kalamnan ay magsimulang lumiit ng tuluyan.

Anong klaseng ugat ang nagpapagalaw sa katawan ng maayos?

Ang katawan ng tao ay maraming klase ng nerves o ugat. May mga ugat na may kinalaman sa pagpoproseso ng pag-iisip, memorya, pangdama (init at lamig o matalim at mapurol), paningin, pandinig at iba pang mga ginagawa ng ating katawan. Ang ugat o nerves na apektado kapag may ALS ay ang motor neurons na may kinalaman sa voluntary movements at lakas ng kalamnan. Mga halimbawa ng  voluntary movements katulad ng kapag gusto mong maabot ang telepono o paglalakad sa kurbadang daan, ang ganitong galaw ay kinokontrol ng kalamnan ng braso at hita.

Ang puso at bituka ay binubuo ng mga kalamnan o muscle pero hindi kasama sa voluntary muscle.  Kapag ang puso ay pumipintig at ang mga pagkain ay tinutunaw ito ay automatikong nangyayari kahit tulog o nagpapahinga, kaya ang mga involuntary muscle ay hindi apektado ng ALS. Tandaan na ang puso ay hindi kayang pigilan pero ang pag­hinga ay maaaring pigilin kaya puwedeng maapektuhan ito ng ALS.  Sa ngayon wala pang nadidiskubreng gamot upang gumaling sa sakit na ito pero may mga gamit at therapies na ginagawa para medyo maiayos ang galaw at mapahaba pa ang buhay ng may ASL. Sa mga nagbabalak na subukan ang ice bucket challenge marapat na isaalang-a­lang ang kalusugan kung kaya ba ng katawan at mga ligtas na paraan upang maiwasan ang aksidente dahil nitong nag daang mga araw may mga taong sumubok ng ganitong challenge ngunit hindi maganda ang kinalabasan dahil nakumpromiso ang kanilang buhay, kaya sa mga susubok pa lang ay marapat na mag-ingat at kung hindi pupuwede ay mag-donate na lang at huwag ng sumubok.

vuukle comment

ANG MYO

ANONG

GRIYEGO

KALAMNAN

KAPAG

LAST PART

TANDAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with