‘Sex’ para sa mga ‘Oldies’
Maaaring bumaba ang interes sa sex gayundin ang kakayahan sa pakikipag-sex kapag nagkaka-edad na lalo na kung may mga iniinom ng mga gamot. Pero hindi ibig sabihin nito na wala nang sex life ang mga matatanda. Kaya pa rin naman nilang mag-‘do’ pero hindi na ito katulad ng dati dahil siyempre, aging na.
Kung si Mommy Dionisia nga luma-love life pa… Dahil malaki ang populasyon ng mga may edad na, sinasabing sila ang responsible sa pagkalat ng mga sexually transmitted disease. Ito ay dahil hindi sila nag-aalala na mabubuntis o makakabuntis pa sila kaya hindi na sila gumagamit ng proteksiyon.
Lower cholesterol-high performance
Gusto n’yo bang tumaas ang inyong performance sa kama? Pababain ang inyong cholesterol. Kapag mataas ang cholesterol, nagkakaroon ng damage ang arteries at napapagod ang puso. Bukod pa rito, nagko-contribute ito sa pagkakaroon ng erectile dysfunction o ED sa mga lalaki. Sa katunayan, ang ED ay maaaring maging senyales ng cardiovascular disease.
Ang mga lalaking umiinom ng gamot na pampababa ng cholesterol ay makakaramdam ng improvement sa kanilang pakikipag-sex, ayon sa pag-aaral na ginawa sa Rutgers University ng Robert Wood Johnson Medical School.
Pero hindi nangangahulugang ang mga gamot na pampababa ng Cholesterol ay gamot sa ED.
- Latest