^

Para Malibang

Kapag lagi kang puyat... (1)

Pang-masa

Minsan, kahit gusto mo matulog ng maaga ay hindi mo ito magawa dahil sa iba’t ibang kadahilanan. May mga taong hindi makatulog dahil sa sobrang pagod, hindi kasi agad bumababa ang adrenalin sa kanilang katawan bunsod ng sobrang aktibidad na kanilang ginawa sa buong maghapon. Kaya lang, anuman ang maging dahilan, dapat ay naibibigay mo sa iyong katawan at isip  ang tamang pagpapahinga, dahil kung hindi, tiyak na dadapuan ka ng iba’t ibang sakit gaya ng diabetes at sakit sa puso.  Narito ang mga masasamang epekto ng kakulangan sa tulog:

Nakakapagpataba – Ang kakulangan ng tulog ay nakakapagpabagal ng metabolismo ng katawan at nakakapagpataas naman ng gana sa iyong pagkain. Minsan pa nga ay nagtatakaw ka sa mga pagkaing mataas ang fat at carbohydrates. Kaya hindi ka dapat magtaka na kung kailan ka puyat ay saka ka naman matakaw at tumataba.

Nagiging “moody” – Kapag pagod ka, nag-iiba ang takbo ng iyong emosyon. May pagkakataon pa nga na kahit sampung ulit mo ng napanood ang isang movie, ngunit kung mababa ang iyong emosyon ay tiyak na maiiyak ka pa rin.  Ayon sa isang research, 50% ng mga taong may depresyon ay nakakaranas ng kakulangan sa pagtulog  gaya ng pagkakaroon ng insomnia. Ang “neurotransmitters” ng utak ay may kinalaman sa pagtulog at paggising ng tao, kaya dito rin nakabase ang maganda o pangit na mood ng isang tao.

Maitim ang paligid ng mata - Kapag puyat, nababawasan din ang moisture ng iyong balat at natutuyot ito. Ito ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ka ng eye bag at nangingitim ang paligid ng iyong mata. Kung hindi mo maiiwasan ang pagpupuyat dahil sa gabi ang iyong buhay, subukan mong uminom ng mainit na chamomile tea isang oras bago ka matulog, dahil nakakapagpa-relax ito ng isip at katawan. Pangalawa, maglagay ng moisturizer at cream sa iyong mukha para hindi ito tuluyang matuyot. (Itutuloy)

AYON

ITUTULOY

IYONG

KAPAG

KAYA

MAITIM

MINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with