^

Para Malibang

Para mas sumaya ang iyong buhay

Pang-masa

MANILA, Philippines - Anong  dapat gawin para mas humaba pa ang iyong buhay at makaranas pa ng pagdiriwang sa maraming okasyon. Narito ang mga bagay na dapat mong iwasan at dapat din gawin para sa mas mahabang buhay.

Walang “joke” sa katawan – Kaya nga may kasabihan na “laughter is the best medicine” di ba? Totoo ito dahil sa ginawang pag-aaral  sa Norweigian University of Science and Technology,  ang mga taong may “sense of humor” o mga taong mahilig tumawa o magpatawa ay mas mahaba ang buhay ng 35% kumpara sa mga taong seryoso sa buhay.  Nakakabawas kasi ng stress ang pagtawa at nakakapagpataas ng immune system dahil gumaganda ang daloy ng dugo ng isang taong palatawa.

Mahilig magbakasyon -  Maraming nagsasabi na nakakawala ng stress kapag holidays o may mahabang bakasyon, kaya naman sa panahong ito, madami rin ang nagbabakasyon sa malalayong lugar at nararating nila ito sa pamamagitan ng pagsakay sa eroplano. Pero ang hindi alam ng marami ay nakakasama rin ito sa kalusugan ng tao.  Ayon sa Association of Flight Attendants,  ang mga taong madalas na nakasakay sa eroplano ay mataas ang posibilidad na magkaroon ng cancer dahil sa oras na makarating ka sa 39,000 feet habang sakay ng plane ay 64-beses ka na natatamaan ng radiation. Kaya isipin mo na lang kung ilang beses kang sumasakay sa eroplano at ilang beses ka rin tinatamaan ng radiation?

Nakakainis na kasamahan sa trabaho – Ayon sa pag-aaral ng Tel Aviv University,  malaki ang epekto sa iyong kalusugan ng mga taong nakakasama mo sa trabaho  kaya naman hangga’t maaari ay  iwasan mong mainis sa iyong mga kasamahan  dahil kapag araw-araw mong nakikita ang kinaiinisan mo, tiyak na lagi kang mai-stress at tatanda ng ilang taon dahil lang sa kanila.

Walang sex life – Mas malaki ang itinatanda ng isang taong walang sex life.  Ayon sa The British Journal, ang mga taong aktibo ang sex life ay  mas malusog at malayo sa anumang sakit. Nakakapagpababa kasi ng stress hormone ang sex at tinutunaw nito ang “kilojoules” na nakakasama rin sa kalusugan ng tao.

ASSOCIATION OF FLIGHT ATTENDANTS

AYON

BRITISH JOURNAL

KAYA

NORWEIGIAN UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

TAONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with