Depresyon (3)
Ang mga sintomas nito ay hindi lumalabas pagkatapos ng dalawang buwan. Ang ganitong depresyon ay paulit-ulit ang sintomas pero hindi gaanong malubha kumpara sa Major Depression.
Manic Depression (kilala bilang Bipolar Disorder) – Ang depresyong ito ay may kasamang pagkahibang at depresyon. Sa ganitong depresyon ang taong nakararanas nito ay pabago-bago ang mood. Mula sa pagiging kalmado ay napapalitan ng matinding sidhi ng damdamin:
Sobrang taas ng tiwala sa sarile
Kawalang tulog
Talkative
Maraming nabubong ideya sa isip
Madaling ma-distracted
Sobrang magaslaw na humahantong ng mga delikadong bagay.
Iba pang mga klase ng kategorya ng depression
Post Partum Depression – isang major depressive episode na lumalabas pagkatapos manganak. Ang sintomas ay karaniwang nagsisimula sa loob ng apat na linggo ng pa-nganganak.
Anxiety Depression – Hindi ito isang klase ng depresyon ngunit, ang anxiety ay nararanasan ng taong may depresyon. Sa mga depressed na tao ay nakararanas ng sintomas anxiety (panic attacks).
Atypical Depression (Sub-type ng Major Depression o Dysthymia) – Panandaliang pag-igi ng kondisyon ng kalooban na nagreresulta sa:
Pagtaas ng timbang at gana sa pagkain
Sobrang pagtulog
Mabigat ang pakiramdam ng braso at mga hita
Chronic Depression – Isang major depressive episode na tumatagal ng hanggang dalawang taon.
Double Depression – Taong may Dysthymia (chronic mild depression) at nakakaranas ng major depressive episode.
Endogenous Depression – Endogenous na ibig sabihin ay katawan. Ang depresyon na ito ay may pakiramdam na depress pero walang nakikitang dahilan.
- Latest