^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’(55)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

PINALAKPAKAN nga ng mga miron ang mahimalang paggaling ng sugat sa noo ng tindera ng turon, hindi alam na ang multo ni ‘Padre Tili­ling’ ang nagpagaling dito.

Pero alam iyon ni Miranda. May kakayahan ang smuggling queen na laging makita ang first love na multo.

 And Miranda is so thankful. Sabit siya sa mga tao kapag nalamang siya ang nakabato sa tindera, alam na kakampihan ito ng kapwa mahihirap.

Humingi naman ng dispensa si Miranda. “Hindi ko naman po sinadya, mga bossing. Ang dagat po ang binabato ko...”

Pinakyaw ni Miranda ang lahat ng turon, ipinakain ang mga iyon sa mga miron nang libre.

Sabihin pa’y tuwang-tuwa na ang mga ito; ang libre ay welcome na welcome sa mga ito.

Personal na humingi ng dispensa sa magtuturon si Miranda. “Pasensiya na po talaga, kayo ang tinamaan...”

“Magkakapeklat ako sa noo.  hindi na nga ako magandang tulad n’yo, magkakapeklat pa.”

“Meron naman pong pang-alis ng pilat-- sa drugstore. Bibigyan ko na lang po kayo ng pambili, ale.” Nagpapakumbaba si Miranda.

Napahinahon naman ang tindera, payapa nang umalis bitbit ang bilaong wala nang lamang turon.

Nakahinga nang maluwag si Miranda. Sa bahaging ito ng kanyang buhay, ayaw na ayaw niyang naliligalig.

Pero si ‘Padrte Tililing’ ang patuloy na naliligalig.

“Miranda, ano kaya kung... hindi mo muna ako makikita nang medyo matagal-tagal?”

Lumarawan agad sa mukha ni Miranda ang takot at ligalig.

“Oh my God... iyan ang huwag na huwag mong gagawin, Carlo! Ikamamatay ko, maniwala ka!” (ITUTULOY)

BIBIGYAN

HUMINGI

IKAMAMATAY

LUMARAWAN

MAGKAKAPEKLAT

MIRANDA

PADRE TILI

PADRTE TILILING

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with