^

Para Malibang

Patuloy sa paghihintay ng liwanag...

IDAING MO KAY VANEZZA - Pang-masa

Dear Vanezza,

Mula pagkabata ay pangarap ko ng magkaroon ng masayang pamilya. Produkto ako ng isang broken home. Kaya marahil lumaki kaming magkapatid na walang tamang direksiyon ang buhay. May kapatid akong namatay dahil sa gang war. Ako naman, nawili sa barkada. Minsan napa-trouble kami. May nagtangkang sumaksak sa akin. Nakailag ako at itinulak ko ang umatake sa akin, pero hindi na siya nakabangon. Nabagok pala ang ulo at na-comatose. Dahil sa nangyari dinampot ako ng mga pulis. Idinemanda ako ng mga magulang ng nakaaway ko. Nakakulong na ako ng mabalitaan kong namatay ang nakaaway ko. Sa kabila ng lahat napatawad ko na ang mga taong nagpakulong sa akin. Para sa akin, ang dinaranas ko ngayon ay mga pagsubok at alam kong sa tulong ng Diyos malalampasan ko ito. - Jovan

Dear Jovan,

Huwag mong hayaang hadlangan ng mga negatibong nangyari sa buhay mo ang pangarap mo na magkaroon ng masayang pamilya. Lagi mong tandaan na habang may buhay, may pag-asa. Kaya magpatuloy ka sa iyong pagpapakabuti sa loob bilang paghahanda sa sandaling lumaya ka na. Huwag mong iwaglit sa iyong isip ang aral ng iyong nakaraan nang sa gayon ay maging matalino ka sa pagpili ng grupong sasamahan para makaiwas sa kapahamakan.

Sumasaiyo,

Vanezza

AKO

DAHIL

DEAR JOVAN

DEAR VANEZZA

DIYOS

HUWAG

IDINEMANDA

JOVAN

KAYA

LAGI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with