^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’ (43)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NAGBALOT  agad ng gamit si Miranda, pigil ang emosyon, kimkim ang sama ng loob kay Simon.

 Mahinahon itong nagpaalam sa biyenan at sa hipag. “Aalis na po ako. Salamat po sa inyong kabutihan.”

 “Miranda, ineng... baka naman nabulagan lang sa selos si Simon. Mabait ang aking anak...”

 Umiling si Miranda. “Muntik niya akong patayin, Inay...”

 Nagtuloy na ito sa paglabas sa munting bahay, sinagasa ang dilim ng gabi.

 Si Simon ay nanatiling tuliro, lost na lost.

  Hinabol ng hipag at ng biyenan si Miranda. “Ineng...magpaumaga ka na muna. Doon ka matutulog sa kuwarto namin ni Myrna.”

  “Please, Ate Miranda, ayaw ka naming mapahamak. Kakampi mo kami ni Inay, promise.”

 Napahinuhod naman si Miranda. Kasama ang mag-ina na tumuloy na nga sa silid ng mga ito.

 Si Simon ay nagmumukmok sa silid nila ni Miranda. Tama ba ang ina—siya ba ay...nababa­liw na?  

Tatawa na ba siyang mag-isa?

Pero bakit siya ay umiiyak?  At tunay ang kanyang pag-iyak. Nanghihinayang sa isang pag-ibig na hindi pa nga nakasisibol nang husto ay takda na agad maglaho, mawala.

Iisa ang papag na higaan ng mag-ina. “Dito ka, ineng,” magalang na sabi ng biyenan, kumpletong may kumot at unan para kay Miranda.

Pero magalang na tumanggi ang manugang. “Hindi po, dito lang po ako sa sahig. Kaya ko po.”

MULI ay aalialigid na naman ang mabait na multo ni ‘Padre Tililing. Parang may magnet si Miranda na hindi nito kayang labanan.

Nangyari na nakabantay ang multo sa tatlong babaing natutulog. ITUTULOY

 

AALIS

ATE MIRANDA

DITO

INAY

MIRANDA

PADRE TILILING

PERO

SI SIMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with