Q&A sa Feng shui
Tanong: Bakit hindi dapat maglagay ng mirror sa bedroom? Bakit suwerteng maglagay ng mirror sa dining room?
Sagot: Okey lang maglagay ng mirror sa bedroom ngunit hindi dapat ito nakatapat sa taong nakahiga sa bedroom. Magiging balisa ang taong namamahinga kaya’t mabubulabog ang kanyang pagtulog.
Mainam na gamitin din ang mirror sa dining area upang magmukhang doble ang anumang pagkaing ihahain sa lamesa. Ito ay nagiging simbolo ng dobleng yaman na makakamtan ng pamilya.
Tanong: Ang aming bahay (bungalow) ay napapagitnaan ng dalawang mataas na building. Masama ba ito? Ano ang idudulot nito sa amin?
Sagot: Hindi maganda kung ang bahay ay napapagitnaan ng dalawang mas mataas na bahay. Hihigupin ng dalawang mataas na bahay ang good energy na dapat ay papasok sa bahay ninyo. Ang epekto ay sila ang susuwertehin at kayo ang pagtatampuhan ng suwerte. Mag-ipon ng pera at pataasin ninyo ang inyong bahay.
Tanong: Nagpatubo ako ng gumagapang na halaman sa aming fence para nagsisilbi na rin dekorasyon. Okey ba ito?
Sagot: Hindi magandang magtanim ng halamang gumagapang kung ito ay nasa tabi ng main door or gate dahil ang epekto niyan ay pagtataksil ng isa sa mag-asawa.
- Latest