Alam n’yo ba?
Alam nyo ba na ang buwan ng Oktubre ang kinikilalang National Pizza month mula pa noong 1987? Kumakain ng 350 slices ng pizza ang mga Amerikano kada segundo. Umaabot ng 3 bilyong pizzas ang nabebenta sa U.S kada taon. Ang pepperoni naman ang numero unong paboritong toppings ng mga Amerikano habang ang anchovies naman ang pinakahuli. Noong 1905, si Gennaro Lombardi ang unang nagtayo ng American Pizzeria at ito ay may lisensiya pa. Ang pinakamalaking pizza ay ginawa noong Oktubre 11, 1987 ni Lorenzo Amato at Louis Piancone. Ang pizza ay may laking 10,000 square feet at 140 feet across at may bigat na 44,457 libra.
- Latest