‘Male Sexual Dysfunction’ Last Period
• Premature ejaculation: Ito ang problema sa pagde-delay ng orgasm at ejaculation. Nagkakaroon agad ng ejaculation kahit kasisimula pa lang ng sexual contact kaya madalas na nadidismaya ang partner.
• Male orgasmic disorder: ang problema sa pag-abot ng orgasm (climax) kasama ang partner. Puwede ring problema sa pag-abot ng orgasm na hindi ganoon katagal o kahaba ang sexual contact; o problema sa pag-abot ng orgasm sa intercourse. Sa ibang kaso, naaabot lamang ang orgasm sa pamamagitan ng masturbation o oral sex.
• Inhibited or hypoactive sexual desire: walang gana sa sexual contact o talagang walang sexual desire.
• Retrograde ejaculation: imbes na lumabas ang semen sa dulo ng penis, umaatras ito papunta sa bladder kapag nag-orgasm.
• Priapism: matagal na erection na walang sexual desire. Ito ay mapanganib na kondisyon na nangangailangan ng agarang medical attention.
- Latest