Pagpili ng pasalubong (1)
Ang pag-uwi sa bansa ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang pinakapinananabikan ng kanilang pamilya. Una, dahil muli nilang makakasama ang matagal na nawalay na kanilang miyembro ng pamilya. Pangalawa, siyempre ay ang pasalubong sa kanila.
Kaya naman ang isang OFW ay lagi na lang nag-iisip ng kanilang iuuwing pasalubong sa kanilang asawa, anak, magulang, mga kapatid, kaibigan at kung sinu-sino pang ka-barangay. Kaya minsan, sa halip na magre-relax ka na para sa iyong pag-uwi, nangangarag ka pa sa pag-iisip, pagbili at pag-iimpake ng kanilang pasalubong.
Paano nga ba mapapagaan ang buhay ng isang OFW sa kanilang pag-uuwi ng kanilang pasalubong sa kanilang mga mahal sa buhay? Narito ang ilang do’s and don’t’s sa pagbili ng pasalubong:
- Latest