Kulay ng Kuko
Hindi lang salamin ng karakter ang kuko kundi indikasyon ng sakit. May mga doktor na tumitingin sa kulay ng kuko ng kanyang pasyente. Malaking tulong din ito sa pagda-diagnose ng sakit ng pasyente.
Pink nails—indikasyon ng magandang kalusugan.
Red nails—magagalitin at may tendency na magkaroon ng alta presyon. Iwasan ang pagkaing mayaman sa caffeine at huwag magkikimkim ng sama ng loob. Maghanap ng gawaing makakalibang. Laging mag-exercise.
Bluish nails—indikasyon ng circulatory problem. Ngunit kung walang circulatory problem pero bluish ang kuko, siya ay taong walang kibo at cold sa pakikisama sa kapwa.
Maputlang kuko—poor nutrition.
Yellowish nails—may problema sa atay.
Brownish nails—indikasyon ng malnutrition at problema sa nervous system.
Gray nails—indikasyon ng malaria.
Amber nails (light brown and yellow)—syphilis
White dots—palatandaan na under stress ang isang tao. Indikasyon din kakulangan sa calcium deficiency lalo na kung malambot ang kuko.
- Latest