‘Di na matiis ang kinakasama
Dear Vanezza,
Hiwalay ako sa asawa at one year na kami mahigit ng aking kinakasama. May anak ako sa ibang babae pero hindi sa original. Mabait at maalalahanin ang kinakasama ko at may dalawang anak na siya. Kaya lang, sobrang selosa. Kapag magkasama kami, ayaw na niya akong lumabas. Ayaw din niya akong tumawag o makipag-usap man lang sa aking anak. Pag galit siya, ayaw magsalita kaya hindi ko alam kung ano ang pagkakamali ko. Kapag nag-aaway kami, gusto niya ay ako ang unang makipagbati. Kung hindi ako ang mauuna ay tatagal ang aming alitan. Tinitiis ko ang lahat ng ito alang-alang sa pagmamahal ko sa kanya. Nagawa kong iwan ang asawa ko para sa kanya. Minsan naiisip kong iwanan na siya. At kung darating man ang panahong magkakahiwalay kami, hindi na ako kukuha ng babaeng kakasamahin at anak ko na lang ang aking aasikasuhin. Minsan kapag wala siya, pakiramdam ko para akong nakawala sa hawla. Pero kapag nandyan siya, parang ‘di ko siya kayang iwanan kahit nahihirapan ako. Ano ba ang maipapayo mo sa problema ko? - Elvis
Dear Elvis,
Come to your right senses. Hindi maganda na pati relasyon mo sa iyong sariling anak ay pinagdadamot niya. Masyado siyang possessive. Dalawang bagay lang ang pwede mong pagpilian, mabuhay ng maligaya at malaya o makisama sa babaeng nagpapahirap ng buhay mo? Akma sayo ang isang kanta na may linyang “I’d rather have bad times with you, than good times with someone else”. Mabuti sigurong anak mo na lang ang asikasuhin mo. At kung hindi rin lang kayo magkakabalikan ng original mong asawa ay huwag ka ng makisama pa sa ibang babae.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest