9 ‘Wealth Spot’ sa Mukha
1st Wealth Spot
Ang unang wealth spot ay noo. Ang noong mabilog, mataas ang puwesto, malapad at nakaumbok ay indikasyon ng power, wealth and great authority. Panatilihing makinis ang noo (walang tagihawat at iba pang blemishes) upang hindi mabawasan ang suwerteng hatid nito. Ang nunal sa noo ay nagiging masuwerte lamang kung ito’y nasa sentro ng noo. Kung hindi, pinaniniwalaan ng mga Chinese na malas ang nunal sa noo.
2nd Wealth Spot
Ang pangalawang wealth spot ay matatagpuan sa itaas ng ilong at nasa pagitan ng dalawang mata. Para maging masuwerte, ang nasabing spot ay dapat na walang balahibo, kulay, blemishes o nunal.
3rd Wealth Spot
Ang pangatlong wealth spot ay ilong. Mas mabilog, mas malaman ang ilong at mas malaki, mas maraming suwerte ang hatid nito. Ang butas ng ilong ay hindi dapat na malaki ngunit hindi naman dapat napakaliit. Ang anumang white or black spot sa ilong ay nagiging hadlang sa daloy ng suwerte. Sign of misfortune ang ibig sabihin ng nunal sa tip of the nose.
4th Wealth Spot
Ang pang-apat na wealth spot ay pearl phoenix. Ito ay nasa center ng upper lips at katapat ng tungki ng ilong. Mas masuwerte kung ito’y mabilog at nakaumbok. Kung maganda ang phoenix, magiging tulay patungo sa pagyaman ang husay niya sa pagsasalita. Halimbawa, magaling siyang mangumbinsi para bilhin ang kanyang produkto o mahusay magsalita kaya sisikat at yayaman siya sa pagiging broadcaster o talk show host.(Itutuloy)
- Latest