Menopause ka na ba? (2)
Ito ay karugtong ng paksa hinggil sa kung anu-anong sintomas ng pagme-menopause at kung paano mo ito haharapin. Narito pa ang ilang tips:
Pagbabago ng pananaw– Maraming pagbabago ang mapapansin mo sa iyong katawan kapag pumapasok ka na sa ganitong panahon ng iyong pagkababae. Pero, hindi lang ang pisikal na katawan mo ang maaaring magbago, maging ang pananaw mo sa buhay o kung paano ka mag-isip. Ayon kay Elizabeth Boskey, PhD at sexual health expert, maaaring maapektuhan ang pananaw ng isang babae, lalo na sa sekswal na aspeto niya. Maging ang kumpiyansa niya sa sarili ay posible rin na maapektuhan. Isang magandang paraan para labanan ito ay makinig sa mga sexy music para magkaroon ng sexual self-confidence.
Maaaring magkaroon ng Sexually Transmitted Disease – Maraming babae ang nag-aakala na hindi na sila tatablan ng STD gaya ng HIV at iba pang sakit. Kaya naman ang iba, relaks lang sa pakikipag-sex sa kung sinu-sino at hindi na gumagamit ng proteksiyon tulad ng condom. Isang malaking pagkakamali ang ganitong kaisipan, dahil sabi pa ni Boskey, nagiging dahilan ito kung bakit patuloy din na tumataas ang bilang ng mga taong nagkakaroon ng STD na may edad 50-anyos pataas.
Kailangan mag-‘effort’ para mag-orgasm – Dapat ay asahan mo ng mangyayari ito sa’yo. Kung noon ay nakakapag-30-beses kang mag-orgasm sa isang gabi, kapag menopause ka na, kailangan mo ng mag-super effort para mangyari ito, ayon kay Dorree Lynn, PhD, psychologist at sex educator sa Washington, D.C. Kaya naman mabuting mag-ehersisyo at kumain ng mga tinatawag na “aphrodisiac foods’ gaya ng talaba.
- Latest